rms-support-letter.github.io/_translations/index_tl.md

74 lines
3.7 KiB
Markdown
Raw Normal View History

2021-03-26 10:12:38 +01:00
---
layout: signed
title: Isang bukas na liham para suportahan si Richard M. Stallman
description: Isang bukas na liham para suportahan si Richard Matthew Stallman sa kanyang muling pagbabalik sa Pundasyon para sa Malayang Software
2021-03-27 14:44:00 +01:00
image: /assets/social-media-preview_tl_PH.png
2021-03-26 18:03:18 +01:00
locale: tl_PH
2021-03-26 10:12:38 +01:00
twitter:
card: summary_large_image
---
2021-03-23
Si Richard M. Stallman, madalas na kilala bilang RMS,
ay naging pangunahing puwersa sa kilusan para sa
malayang software ng ilang dekada, maraming mga kontribusyon
tulad ng sistemang operatibo na GNU at Emacs.
Kamakailan, nagkaroon ng mga mapahamak na mga pag-atake online,
upang alisin siya mula sa lupon ng mga direktor ng FSF dahil
sa pagpapahayag ng kanyang mga personal na opinyon. Nakita na namin
ito mangyari noon sa isang organisadong moda laban sa mga
prominenteng aktibista at programista para sa malayang software.
Hindi na kami mananahimik, ngayo'y inaatake na ang mismong
nagtatag ng komunidad na ito.
Ang FSF ay may kasarinlan at may kakayahang tratuhin ang
mga miyembro sa isang makatarungan at walang pinapanigang moda, at hindi ito
dapat sumuko sa mga panlabas na panggigipit-sosyal. Hinihikayat namin ang
FSF na ikonsidera ang mga argumento laban kay RMS nang walang kinikilingan
at tunay na maunawaan ang kahulugan ng kanyang mga salita at aksyon.
Noon pa man, ipinapahayag ni RMS ang kanyang mga pananaw sa mga paraan
na makakapag sama ng loob ng maraming tao. Kadalasan, siya'y nakatuon sa mga
pilosopikong pundasyon, at sinisikap na matamo ang obhetibong
katotohanan at linguistikong kalinawan, habang hindi binibigyang diin ang mga
damdamin ng mga tao sa mga bagay na kanyang binibigyang komento. Dahil dito,
ang kanyang mga argumento ay madaling mauuwi sa di-pagkakaunawaan at maling
paglalarawan, na sa tingin namin ay nangyayari sa bukas na liham para sa kanyang pagtatanggal.
Ang kanyang mga salita ay dapat ipaliwanag sa kontekstong ito at
bigyang diin na kadalasan, hindi siya interesado sa isang diplomatikong
pag-uusap.
Anuman ang kanyang opinyon, ang mga komento ni Stallman sa mga bagay na
kung saan siya inuusig ay walang kaugnayan sa kanyang
abilidad na mamuno ng isang komunidad tulad ng FSF.
Isa pa, may karapatan siya sa kanyang mga opinyon tulad
ng sinuman. Ang mga miyembro at tagasuporta ay hindi kailangang
sa kanyang mga opinyon, pero dapat irespeto ang kanyang
karapatan sa kalayaan sa pag-iisip at pananalita.
**Sa FSF:**
Kapag tinanggal niyo si RMS, masasaktan lang ang inyong imahe at malaking dagok
ito sa momentum ng kilusan para sa malayang software.
Hinihikayat namin kayo na ikunsidera ang inyong mga gagawin nang may pag-iingat,
sapagkat ang inyong mga desisyon ay magkakaroon ng seryosong epekto
sa hinaharap ng industriyang software.
**Sa mga nanggugulo na pinagtutulungan si Richard Stallman dahil sa
kanyang mga makatwirang argumento sa pagtatalo at iba't ibang mga opinyon at paniniwala
na kanyang sinabi ng ilang dekada bilang isang kilalang tao:**
Wala kayong karapatan sa pagpili kung sino mamumuno sa kahit anong komunidad.
Lalong hindi sa pamamagitan ng pagtutulungan ng isang tao o komunidad na hinding-hindi kailanman
makakahawig sa isang makatarungan at maayos na pagtatalo na ginawang halimbawa
ng mga mabubuting tao tulad ni Richard Stallman.
Para pumirma, [mag-submit ng isang pull request](https://github.com/rms-support-letter/rms-support-letter.github.io/pulls).
2021-03-29 05:27:01 +02:00
Para pumirma nang **hindi ginagamit ang Github**, puwede ka:
2021-03-27 07:40:05 +01:00
- Magpadala ng nakapirmang tapal sa [signrms@prog.cf](mailto:signrms@prog.cf)
- O sa [~tyil/rms-support@lists.sr.ht](mailto:~tyil/rms-support@lists.sr.ht).
- O maglagay ng pirma rito: [https://codeberg.org/rms-support-letter/rms-support-letter/issues/1](https://codeberg.org/rms-support-letter/rms-support-letter/issues/1)