3.3 KiB
layout | title | description | image | locale | |||
---|---|---|---|---|---|---|---|
signed | Isang bukas na liham para suportahan si Richard M. Stallman | Isang bukas na liham para suportahan si Richard Matthew Stallman sa kanyang muling pagbabalik sa Pundasyon para sa Malayang Software | /assets/social-media-preview.png | tl |
|
2021-03-23
Si Richard M. Stallman, madalas na kilala bilang RMS, ay naging pangunahing puwersa sa kilusan para sa malayang software ng ilang dekada, maraming mga kontribusyon tulad ng sistemang operatibo na GNU at Emacs.
Kamakailan, nagkaroon ng mga mapahamak na mga pag-atake online, upang alisin siya mula sa lupon ng mga direktor ng FSF dahil sa pagpapahayag ng kanyang mga personal na opinyon. Nakita na namin ito mangyari noon sa isang organisadong moda laban sa mga prominenteng aktibista at programista para sa malayang software. Hindi na kami mananahimik, ngayo'y inaatake na ang mismong nagtatag ng komunidad na ito.
Ang FSF ay may kasarinlan at may kakayahang tratuhin ang mga miyembro sa isang makatarungan at walang pinapanigang moda, at hindi ito dapat sumuko sa mga panlabas na panggigipit-sosyal. Hinihikayat namin ang FSF na ikonsidera ang mga argumento laban kay RMS nang walang kinikilingan at tunay na maunawaan ang kahulugan ng kanyang mga salita at aksyon.
Noon pa man, ipinapahayag ni RMS ang kanyang mga pananaw sa mga paraan na makakapag sama ng loob ng maraming tao. Kadalasan, siya'y nakatuon sa mga pilosopikong pundasyon, at sinisikap na matamo ang obhetibong katotohanan at linguistikong kalinawan, habang hindi binibigyang diin ang mga damdamin ng mga tao sa mga bagay na kanyang binibigyang komento. Dahil dito, ang kanyang mga argumento ay madaling mauuwi sa di-pagkakaunawaan at maling paglalarawan, na sa tingin namin ay nangyayari sa bukas na liham para sa kanyang pagtatanggal. Ang kanyang mga salita ay dapat ipaliwanag sa kontekstong ito at bigyang diin na kadalasan, hindi siya interesado sa isang diplomatikong pag-uusap.
Anuman ang kanyang opinyon, ang mga komento ni Stallman sa mga bagay na kung saan siya inuusig ay walang kaugnayan sa kanyang abilidad na mamuno ng isang komunidad tulad ng FSF. Isa pa, may karapatan siya sa kanyang mga opinyon tulad ng sinuman. Ang mga miyembro at tagasuporta ay hindi kailangang sa kanyang mga opinyon, pero dapat irespeto ang kanyang karapatan sa kalayaan sa pag-iisip at pananalita.
Sa FSF:
Kapag tinanggal niyo si RMS, masasaktan lang ang inyong imahe at malaking dagok ito sa momentum ng kilusan para sa malayang software. Hinihikayat namin kayo na ikunsidera ang inyong mga gagawin nang may pag-iingat, sapagkat ang inyong mga desisyon ay magkakaroon ng seryosong epekto sa hinaharap ng industriyang software.
Sa mga nanggugulo na pinagtutulungan si Richard Stallman dahil sa kanyang mga makatwirang argumento sa pagtatalo at iba't ibang mga opinyon at paniniwala na kanyang sinabi ng ilang dekada bilang isang kilalang tao:
Wala kayong karapatan sa pagpili kung sino mamumuno sa kahit anong komunidad. Lalong hindi sa pamamagitan ng pagtutulungan ng isang tao o komunidad na hinding-hindi kailanman makakahawig sa isang makatarungan at maayos na pagtatalo na ginawang halimbawa ng mga mabubuting tao tulad ni Richard Stallman.
Para pumirma, mag-submit ng isang pull request.