rms-support-letter.github.io/README_TL.md
Job Bautista b6e9bd92d7
Update README_TL.md
punctuation
2021-03-31 19:56:16 +08:00

2.9 KiB

Isang bukas na liham para suportahan si RMS.

Para pumirma, i-click ito at pangalanan ang file na <username>.yaml (palitan ang <username> sa iyong pangalan) na naglalaman ng:

name: <pangalan mo (opsyonal na organisasyon o kumpanya)>
link: <kawing sa iyong profile o pook>

Hindi kasama ang <>.

Halimbawa:

name: Halimbawang pangalan (Mabuting kumpanya)
link: https://github.com/halimbawang_username

Huwag gamitin ang <> sa file na ito, pati na rin ang mga simbolong hindi kasama sa ascii para sa pangalan ng file. Kung ginagamit mo ang iyong e-liham bilang kawing, lagyan mo ng mailto: sa simula. Kung puwede, gamitin mo ang tunay mong pangalan at ilagay mo ang mga proyekto at naka-anib na organisasyon sa saklong.

Tapos i-click ang "Propose new file" at sundin ang kailangang gawin para gumawa ng merge request.

Panatilihin nating matatag ang tono, pero propesyunal.

Kung kaya mo, i-kunsidera mo ang pamamahagi ng liham na ito sa iyong mga forum at social media, at ipabatid sa mga manunulat na makakatulong sa ating pinaglalaban.

Pinagsasama-sama ang mga pull request sa loob ng 12 oras - dahil sa dami sila'y ipagsasama-sama sa mga magkakasamang pangkat.

Puwede rin i-fork at clone ang repo. Gumawa ng file na _data/signed/<username>.yaml nang manu-mano, tapos i-commit at mag-submit ng PR.

Kung gusto mong suportahan ang liham nang hindi ginagamit ang Github, puntahan ito: https://codeberg.org/rms-support-letter/rms-support-letter/issues/1, o magpadala ng nakapirmang tapal sa signrms@prog.cf o ~tyil/rms-support@lists.sr.ht.

Kung kailangan mo pa rin ng tulong sa pamamagitan ng biswal na tagubilin, may bidyo para rito.

Lahat ng mga pirma ay ipoproceso sa loob ng 12 oras - dahil sa napalaking bilang ng mga PR

Mga silid pang-usap

Makipag-ugnay

Kung isa kang miyembro o kumakatawan ng isang pahayagan, o isang youtuber, puwede kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng e-liham:

Lisensiya

Ang kodigo sa imbakan na ito ay nakalisensya lamang sa GPL-3.0.

Ang mga larawan sa assets folder ay nakalisensiya sa ilalim ng CC BY-SA 3.0. Ang mga larawang preview para sa social media ay nakabatay sa https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Richard_Matthew_Stallman.jpeg, na nasa ilalim ng CC BY-SA 3.0. Orihinal itong inilathala bilang pabalat larawan ng libro ni O'Reilly na Free as in Freedom: Richard Stallman's Crusade for Free Software by Sam Williams, noong Marso 1, 2002 sa ilalim ng GFDL.

Walang kopirayt ang mga pirma.